Page 51 of 366: Payong ko? Muni-muni.
February 20, 2012
Balik na naman sa dating gawi. Gigising ng maaga. Medyo maulan at maambon yung umaga. Nung nasa jeep na ako, dun ko narealize na nalimutan kong magdala ng payong. Thank God, hindi naman masyado nagbuhos ang ulan. Nakarating ako sa UST nang tuyo. HAHAHA! Late na naman ng almost 30 minutes prof namin. Konting discussion lang tapos nag quiz. Yung sked kasi namin dun, 7-8. Dumating siya mga bandang 7:30 tapos natapos ng bandang 8:10. Woot.
Mahabang break, nag-McDo muna kami. Ito ang ayoko pag puro break eh. Mapapagastos ka talaga.
Habang naglalakad kami pabalik ng Eng’g., nagpasya akong umalis sa grupo. Gusto ko munang mapag-isa.
Elec lab na naman. As usual, ako na naman ang gumagawa sa grupo. Nakakainis lang kasi na hindi dinidiscuss kung paanong gagawin. Kanya-kanyang diskarte kung paano gagawin yun. Hindi namin natapos yung activity.
Matapos nun, kumain ako mag-isa. Pagbalik ko sa Eng’g., nakita ko yung iba kong friends na may dinidiscuss about religion. Nakisali naman ako and we resolved to respect each other. Dito ko rin nalaman yung bad news na na-zero yung buong klase namin sa quiz namin nung umaga. Ewan ko ba kung bakit ang babaw ng rason ng prof namin at ganyan siya. Kailangan namin siyang kausapin.
As usual, kopya at discussion sa IT103 then uwi na. Buti nalang hindi umulan.
Pag-uwi naman, inasikaso ko yung powerpoint para sa group speech at gumawa ng speech outline.
Ang aga ko pala natulog. Wala pang PBB, bagsak na. HAHAHA!