Ako ang Nag-iisang Kareristang Musikero

Bakit nga ba ako na-inlove sa kanya?

kareristangmusikero:

There’s this girl na na-inlove ako recently. Although naamin ko sa kanya na may feelings ako sa kanya na matagal ko nang tinatago yet hanggang dun na lang as friends (kasi….), I just want to share kung bakit na-inlove ako sa kanya. So basically parang ganun na rin ang criteria ko kaya pag siya ang nasa-isip ko, perfect package na. Siya na ang gusto ko.

  1. A CHRISTIAN LIKE ME. 
    Yes. A Christian like me. In fact, nagkakilala kami sa Youth Camp ng church ko. Ininvite siya ng isa sa mga churchmates ko at doon kami nagkakilala. Siya yung bisita na naging close ko sa camp. Although may ka-love team siya sa camp nun, I’ve managed to have memories with her. Yung kaisa-isa kong picture na kinunan ko sa camp using my phone, is yung picture naming dalawa. Enough of history. HAHA! Christian. Yes. Deep yung kanyang relationship with God. Natutuwa ako kasi ang dami niyang alam na inspiring thoughts na maishe-share na related si God dun. Her family’s always having Bible studies and devotion every night. Malaki ang takot niya sa Diyos. Gusto ko siya kasi kaya niya akong i-guide to God. Kaya dahil dito, nakaka-relate kami. Pero of course, mas maganda kung sana nasa same church kami…
  2. HARDWORKING.
    At this young age, working student siya. She works at a fastfood chain to sustain her studies. May point though that she has to stop studying dahil kapos sa funds, go pa din siya sa work niya. Ganun siya kasipag. Hanga ako sa babaeng ‘to. Kahit alas-dose na siya umuuwi at medyo delikado pa naman na kalsada ang nilalakbay niya (sa Quiapo), wala pang nangyayari sa kanya. Buti nga nagawa niyang magkaroon ng time for studies, work, and GOD. Hardworking. Masipag. Kailangan siya ng magiging pamilya ko.
  3. MARUNONG SA GAWAING-BAHAY.
    Kailangan yan sa magiging family ko. Natutuwa ako na marunong siyang maglaba at magluto. Feel ko konti na lang ata sa mga kababaihan ngayon ang marunong sa household chores and she’s… a rare gem. No offense intended though. Ayoko kasing mag-hire ng kasambahay. Gusto ko siya magpe-prepare sa family, alagaan ang magiging anak namin, siya ang magpapaligaya sa akin at sa magiging family ko. Plus points sa akin yan. Ang tunay na babae, marunong sa gawaing-bahay.

  4. SHE MADE ME SMILE LIKE NO ONE ELSE. 
    Simpleng text lang niya sa akin, sobrang napapangiti ako. Kasi siya talaga ineexpect ko na makikita ko sa inbox ko tuwing umaga. For no reason, napapangiti ako sa simpleng paramdam niya. Well, siyempre you like and love who makes you smile like no one else does. Essential yan sa relationship. I wanna smile you know.
  5. COMFORTABLE AKO SA KANYA.
    Hindi naman comfy in the sense na ang sarap niyang i-cuddle or what. Comfortable ako pag nakaka-interact ko siya. I enjoy talking to her to the point na super taas ng trust ko sa pagsasabi ng mga secrets ko and such. Kahit abutin nang umaga, wala akong pakialam. Masaya siyang kausap. Siya yung tipong babae na magiging comfortable na kasama.

  6. SIMPLE.
    Hindi siya yung tipong babaeng uber nagpapaganda. Kontento na siya sa itsura niya. Simpleng manamit, simpleng magmake-up, walang halong landi. Kahit na sinasabi niya na pangit siya, I bet to disagree. Simple is better and she’s just amazing just the way she is.

  7. WORTH SPENDING MY TIME AND LIFE WITH.
    Pwede bang forever na lang? HAHAHA. Naman, I would love to spend my life with her kasi alam kong magiging sulit at maganda ang buhay namin; of course, with God’s guidance.

  8. RAMDAM ANG ALAGA.
    Kahit sa text lang, I feel cared. When I’m down, nandiyan siya para i-comfort ako. I need that talaga lalo na pagnagka-problema ako.

  9. HUMBLE. SUPER DOWN-TO-EARTH.
    Sobrang humble niya. Hindi siya mayabang. As in kontento na siya sa sarili niya for what she has. May gusto man siya, hindi siya yung tipong maiinggit. She knows her situation and she has morals and values. 

Marahil marami pa sigurong reasons kaya na-inlove ako sa kanya. Pero ito talaga yung main points na nagustuhan ko sa kanya. She would’ve been my forever. Given the chance to love her again, why not? In her, I found the perfect one. :) 

Notes

  1. kareristangmusikero reblogged this from kareristangmusikero
  2. kareristangmusikero posted this
Top