Ako ang Nag-iisang Kareristang Musikero

Page 56 of 366: Food Savior.

February 25, 2012

Walang pasok kaya okay ang paggising ko. :)

Nagpasya akong sumama kay papa sa mga lakad niya today. Ineexpect ko kasi na kinagabihan, pupunta kami ng MOA para mag-shoot ng fireworks.

Pagsakay ng kotse, sabi ni papa na hindi tuloy yung MOA ng gabi. Nagtampo talaga ako nun. Hindi ako umiimik. Ang tahimik ko. Nababalisa. Unang destinasyon namin sa Makati Cinema Square para kunin yung pinagawang bowling ball ni papa. Habang naghihintay, kumain kami ng lunch. Ayun. Sumaya ako. Food Savior nga ika nga.

After nun, pumuntang Marikina, then Bulacan. Bago tuluyang umuwi, dumalaw kami sa bahay ng tita ni papa sa Tandang Sora. HAHA.

Pag-uwi, ang sarap ng pagkain. Inihaw na liempo, Broccoli na may corned beef, papaitang kambing and for dessert, strawberries na may cream.

Hayy.. Buti na lang kaya akong pasayahin ng pagkain. :)

Top