Comfort Food. <3
Milo with Skyflakes. :D
Comfort Food. <3
Milo with Skyflakes. :D
Ngayon kasi enrollment namin. So ako, sobrang excited ko naman kasi makikita ko yung mga kaklase ko after not being with them the whole vacation. Maaga ako nagising. 5am palang, bumangon na ako. Nag-ayos na rin and all. Before ako umalis ng bahay ng 6, kukunin ko muna yung pambayad kay Papa. Kaso nga lang, as usual, financial problem. I have to find a way kung pwede mag-enroll pero saka nalang yung bayad.
Siyempre, medyo disappointing sa part ko yun. Medyo matagal bago nag sink in sa akin na yun na nga ang sitwasyon. I thought na may ibang proseso pa akong gagawin.
Pagdating ko sa school ng mga bandang 7:40am, ayun. Nakita ko na mga kaklase kong sina Berna at Paula. Sumunod na rin si AC pati si LA. Pumila na kami sa mga upuan. Akala namin sisitahin kami kasi 10am pa talaga slot namin. Pero, wala naman nangyari eh. HAHA! So nakapasok na kami sa compound ng Seminary Gym. Hindi pa kami pumila sa isa pang pila bago talaga pumasok sa loob. Hinintay namin yung mga ibang kaklase namin. Ayun, dumating na rin sina Rodlly, Janna, Crystal, Brix, at Bim. Nang makapasok kami sa loob, nagtanong ako sa kung ano ang gagawin ko habang ang iba naman ay nag-eenroll na talaga. Akala ko may form pa akong kukunin; di na pala ganun ang procedures. I will just enroll between bukas at Friday para wala pang penalty. God will provide. Darating din yan.
After ng enrollment, umalis na sina AC at Berna habang kami namang apat nina Rod, Janna, at Paula, nag Coffee Indulgence tapos tumambay sa pinagbilhan namin ng Mango Graham Shake para sa Cheesesticks. Kwentuhan lang. After nun, umalis na sina Paula at Janna at hinatid ko si Rod sa Eng’g para pumunta sa ESC. Ako naman, pupunta ng Tan Yan Kee para sa CSC naman. Doon naman tambayan ako.
Pagpasok ko sa CSC, nandun si ate Rubi. Pumasok rin si ate Via. Panay kwentuhan lang ang naganap, nagpakita ng mga designs blah blah. Nung umalis si ate Via, at si ate Rubi naman ay nag-lunch kasama si kuya Julius, kumain na rin ako. Doon naman ako kumain sa pinagkakainan namin sa P.Noval. Yung 29’ers na tinatawag namin.
Pagbalik sa CSC, kasabay kong bumalik sina ate Rubi at kuya Julius. Dumating din si kuya Argee. Dahil bored ako, nag-9GAG nalang ako dun. Buti nalang hindi pa blocked. HAHA!
Nang ma-text ko bespren ko, makikipagkita ako sa kanya sa CFAD pav. Nang papunta na ako, nagtext siya bigla na may emergency siyang gagawin at kanselado ang pagkikita namin. Ako naman, TUMAKBO. HAHA! Ayun, naabutan ko siya. Pero sinamahan ko nalang siya. Panay kwentuhan ang ginawa tapos naglakad papunta sa simbahan para magdasal siya.

After nun, kumain naman kami sa Bianca’s. Pinilit lang akong samahan siyang kumain kaya pumayag ako. Another meal. O.o After the kwentuhan and all…

Hi Bespren. :) HAHA! Hindi na-corrupt BB ko. LOL! xD
Sinamahan ko nalang siya papunta sa pupuntahan niya then umuwi na ako.
Whatta tiring day. Kahit hindi natupad ang nais kong mangyari, the day still went well. :)
Napagastos ako bigla. O.o
First ever fan mail na natanggap ko. HAHAHA!
Salamat Jhap! Oo nga eh, sayang talaga 1 sem lang. haha! Mabait ka naman eh, hindi ka naman hassle sa amin. :)
God bless sayo! :D
Medyo late na kami nagising kanina para umabot pa sa service sa Cruzada. So nagdecide kami na sa Economia nalang mag service. Nakaabot pa naman kami sa simula kasi opening song palang naman.
After nun, dale-dale naman akong pumunta sa JohnKen para makapag-order na. Bagal kasi maglakad yung family ko eh. LOL. Pero pinauna nila talaga ako. HAHA!
Ayun, after ng kain, agad agad kaming bumalik sa church para sa Sunday School. Opening assembly palang naman kaya nakahabol pa ako sa tugtugan. Pagpasok sa classroom ng mga alaga ko, pinagtripan na naman nila ako. Hinarang nila ang pintuan gamit ang upuan kaya hindi ako makapasok. Nung nakapsok ako, pinakita ko sa kanila na badtrip ako sa ginawa nila. It seems like, wala nang respeto eh. Kaya medyo naging masungit ako sa kanila. Buti nalang dumating si ate Pat, yung co-teacher ko. Kasi pagsapit ng 10am, sasama ako sa klase ng kapatid ko para samahan sila sa “bonding” nila sa SM San Lazaro.
So, pito kaming pumunta doon. Yung kapatid ko kasama yung 3 niyang mga kaklase plus, yung 2 teacher nila na sina ate Glenda at ate Donna at panghuli, ako. Agad kaming pumunta sa may Timezone. Pinapili nila yung mga bata kung saan gusto nila. The 3 girls chose to be sa parang play section. Yung kapatid ko, sa Timezone. So we left the girls doon while sinamahan ko kapatid ko sa Timezone. After their playtime, umakyat naman kami para kumain. Sa Chef d’ Angelo kami kumain. Hindi ko inaasahan na dun kami pero reality, nangyari nga. HAHA! Yung mga bata, Samplers 1 and 2 ang inorder (Chicken, Pizza, Spaghetti/Fries) habang kaming mga teachers (sumunod pala si ate Pat. HAHA!) nag eat-all-you-can. Ayun, super nabusog naman kami.
Pagbalik sa church, nag-commute kami ng kapatid ko papunta sa bahay ng tita ko. Dapat susunduin kami kaso kumakain na sina papa. Nang makarating sa bahay nila, nakapagpahinga ako at nagkwentuhan. Nang sumapit ang 2pm, bumalik kami ng tita at pinsan ko sa church para sa meeting para sa Sunday School. Ang daming napag-usapan kasi next Sunday, recognition and promotion na. So pati mga plans for Sunday School til the end of the year ay napag-usapan na.
After that meeting, may kasunod pang meeting. Para sa RENOV8, yung fund raising para sa renovation ng facilities ng Sunday School. Ayun, dagdag gawain so I will face Photoshop again. Woooot.
Nang matapos ang 2 meetings na yun, pumunta naman kami nina papa sa Villamor Driving Range para makapag-practice siyang mag-golf. May laro kasi siya mamaya eh. Ginawa ko lang is, naglaro lang sa laptop ko. HAHA!
Akala ko uuwi na kami para makapagluto si mama ng hapunan. Kasi napag-usapan namin na dapat every Sunday, may special dinner sa bahay. Kahit anong ulam na unusual sa hapag-kainan namin. To my surprise, sineryoso pala ni papa yung pag kain naman sa labas. Sa Lola Idang’s kami pumunta sa may Better Living. We ordered Pansit Malabon, Lumpiang Shanghai, Sinigang na Salmon Belly, and Sago’t Gulaman.
After eating, pumunta muna kaming SM Bicutan para makapag-print si papa ng documents niya. Pag-uwi, nilabas ko yung Mini Cooper sa garahe kasi gagamitin ko siya later on.
Tinapos muna namin panunuod ng Formula One Monaco GP. Enjoy ako sa panunuod kasi super dikit yung top 6 racers. hehehe! Although hindi nanalo talaga manok namin, masaya pa din kasi thrilled eh.
Matapos ang panunuod, an experience to remember. Nag-convoy kami ni papa. Si papa sa company car at ako naman sa Mini Cooper kasama ang kapatid ko. Ibabalik kasi ni papa sa opisina yung company car kaya pina-drive niya sa akin yung Mini para di siya magko-commute pauwi.
It was actually my first time to drive at night. Madali pa kasi Sunday night; no traffic at sinusundan ko lang si papa. Ang saya kaya. HAHA! Sarap din kasing hatawin yung Mini Cooper eh. Pagdating sa opisina niya (sa Makati yun), hinintay namin siya. I volunteered to drive pauwi. HAHA!
It went well. Medyo pumalpak lang ako nung nasa guard house na kami ng village namin. Namatayan kasi ako ng makina kasi humps. Hindi ako naka-prepare sa kambyo na gagamitin ko. Panic mode. HAHAha! Pero nakauwi pa din na safe.
Wheee. So proud of myself. Ang saya lang talaga nung experience na yun. :)
Pero pag-uwi, si-net aside ko muna yung happiness ko to comfort someone…
Netizens should be reminded about basic netiquette. Isn’t it that the number one rule is not to divulge super duper sensitive information online? I mean, your whole name, your address, or even your mobile number (make it available upon request).
Among the netizens, it is the kids that should should be strictly reminded. Especially they’re quite in a stage of being gullible with what they do. Being gullible, they tend to post anything. They are in increased risk of being stalked by evil people and might do something to harm them.
If you have a heart, tell your young friends who go online about these important matters that they may be protected.
Ang serious naman ng topic ko. HAHAHA! Kasi naman, sabihin lahat-lahat sa buong mundo? Baka gusto mong ma-istalk niyan. Geez. Kids these days…
Hayyy pastel. <3
That feeling na, alam kong may sumusuporta sa akin; yung feeling na ako ang pinagkakatiwalaan and all… ang sarap diba?
Pag mga kaibigan ko, may mga emotional problem at nangangailangan ng tulong tapos ako ang nilalapitan… it makes me feel na, may tiwala ang taong iyon sa akin. Pero sabi nga diba, “With great power comes great responsibility?” It applies doon. Wag dapat bibiguin yung mga taong nasa likod natin every step of the way. They may be looking up pero siyempre dapat nandun pa rin yung humility.
Mas rewarding yung, nagkaayos kami ng isa sa mga taong mahalaga sa akin. Bespren ko siya. Dahil dun, natuto akong mas magtiwala sa kanya. Wala lang. Ang random diba? Hahaha. Anyways, sana maramdaman ng mas marami pang tao ang feeling na ganito. Kasi pag ganito ang nararamdaman, mas masarap mamuhay kasi alam mo na mahalaga ka sa kanila at pinapahalagahan mo din sila. :)
Ito yung certificate na natanggap ko last year nung nag Youth Camp ako sa church namin. “Best Male Camper,” yan ang pinakamataas na individual award na matatanggap ng isang camper.
Hindi ko talaga inakala na makukuha ko yung ganitong award. Binibigay lang kasi ‘to pag super exemplary performance mo sa camp.
Well, hindi naman tungkol dito ang nais kong pag-usapan. I want to talk about memories. :)
Sa camp kasi na ito, maraming alaala ang tumatak sa akin. Isa na dito ang pagtanggap ng kapatid ko kay Jesus bilang tagapagligtas niya. He was baptized dun na mismo sa camp. Other than that, the place is awesome. Sa Bakasyunan Resort, Tanay, Rizal. Nung time na yun, hindi pa fully developed yun pero yung camp namin ang unang nag-camp doon sa lugar nila which is, awesome.
Pero ang best memory that I can have is, meeting someone na nagpa-tumbling sa puso ko. HAHA! Nung una, hindi ko pa siya pinapansin kasi medyo shy nga ako. Pero nung lectures, magkatabi kami, and minsan, nag-uusap pa kami. Ayun. Dun nagsimula friendship namin. Until sa mga activities, may konting eye contact kami then smiles and laughter afterwards. Until one time, I got her number, and nagtetext pa kami (kahit bawal) pag nasa sari-sariling tent na kami. Nung last day nga ng camp I asked her if I can take a picture of me and her sa phone ko. She allowed me. That was the only photo of me and her ever since. Ito lang din yung photo na sariling kuha ko sa camp since wala akong dalang cam para maka-focus ako sa mga activities.
Hanggang ngayon, we’re still good friends. Glad that I met someone like her. Through ups and downs, we were there for each other. I never regretted putting my trust in her.
Kahit busy kami ngayon sa sariling naming mga buhay, may contact pa rin kami sa isa’t isa.
Hi Chin. Naalala lang kita. :)

(inedit ko lang yung brightness pero ito pa rin yun eh. haha!)
Di ako makapaniwalang gising pa din ako hanggang ngayon. :) Di naman talaga ako inaantok tapos naligo pa ako kani-kanina lang. HAHA!
Siguro nga nakakapagpagising yung good vibes na natanggap ko kanina, yung pagkaayos namin ng bespren ko, pag-uwi ni papa, at yung may dala siyang pasalubong; lalo na yung pastel na pinagkaguluhan ng mga kaibigan ko sa Twitter, FB, at Tumblr.
Whew, may balak pa kaya akong matulog? Lol. Advanced goodnight sa inyo, este good morning na pala. ;))